nagpaplano ka ba na magnegosyo o sumali sa isang multi level marketing company? pero alam mo ba na sobrang daming MLM Companies ngayon ang nagsulputan dito sa Pilipinas at talagang nakakalito tlga dahil hindi mo na alam kung alin ba talaga ang tama at maganda pasukin..
Marami sa mga Pinoy na nagbabalak sumali sa isang multi level marketing company ang nahihirapang pumili ng Company na sasalihan nila at baka isa ka sa kanila. pero Bago ang lahat dapat mong maintindihan na hindi lahat ng MLM Company sa Pilipinas ay legal. Malaking factor ang pagpili ng Company na sasalihan sa success mo sa business na ito kaya importante para sa lahat na pag-isipang mabuti o eresearch talaga muna bago maglabas ng capital or investment sa ganitong negosyo. Alam naman nating lahat na kapag pera ang pinag-uusapan ay mahirap talaga tayong magbitiw dala narin sa hirap nitong kitain kaya kaylangan mo siguruhin na worth it ang mapupuntahan nito at dapat na kikita ka talaga. Hindi ka naman magnenegosyo para lang mabawi ang capital o basta lang kumita kundi kaylangan na maging successful ka para makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay at mabili ang mga gusto mong mabili,makain ang mga gusto mong kainin at mapuntahan ang mga lugar na gusto mong puntahan.. in short yung TIME AND FINANCIAL FREEDOM PARA SAYO AT SA PAMILYA MO..
Ngayon, gusto kitang bigyan ng mga tips sa tamang pagpili ng papasukin mong MLM Company. kung ano-ano ba ang mga batayan sa pagpili ng legal na MLM Business company
ito yung ilan sa importanteng bagay o factors na kaylangan isaalang-alang mo sa pagpili ng legal na MLM Business/Company dito sa Pilipinas..
1. COMPANY PROFILE
bago ka sumali sa isang MLM company o business dapat na suriin mong mabuti ang background o profile ng company na iyong nagugustuhan at dapat mong pag-aralan ang lahat ng tungkol dito. Ito ang mga bagay na importanteng dapat mong suriin bago ka sumali sa isang business opportunity.. Ang track record, profile, achievements, awards, company plans, number of employees or business partners, quality products, certifications, business branches, company events and engagements, sponsorships, brand name, legalities, at mga taong natulungan ay mga bagay na dapat mo munang alamin para makakasiguro ka na legitimate MLM Company ang papasukin mo. lalo na Sa panahon ngayon na marami ang naglalabasang scam reports and incidents, dapat na aware ka dito at maging matalino sa pagpili ng Company para maiwasan mo ang anumang prblema habang ginagawa mo ang negosyo. success start with your wise decision.. be at your best..
2. Products/Service
importante din dapat mong alamin ang mga products ng sasalihan mong company bago ka magdesisyon na sumali o bago ka maging member.. alamin mo muna ang quality ng products para hindi ka masira sa magiging future costumer mo. Kung ang products ng company na nais mong salihan ay mga consumable needs tulad ng food supplements, beauty products etc., dapat mong alamin kung ang mga ito ba ay legal, dumaan sa masusing pag-aaral at aprobado na may certifications sa BFAD, FDA, Halal, GMP, DTI, at iba pang mga legalities. Kapag ‘yung products ay merong certifications ng mga nabanggit, ikaw ay 100% sure na legitimate ang MLM Company na papasukin mo. siguro naman na alam mo na ang buhay ng Company ay ‘yung products or services na ino-offer nito. Kung mababa ang quality ng products or services, mababa ang sales. At kapag mababa ang sales, malaki ang chance na malulugi ang Company and most likely mag-sasara ito. Kaya dapat na aware ka dito para maiwasan mo ang malaking risk ng business. Masarap gumamit ng products kung ito ay effective at aprobado, masarap i-push sa market at sa mga consumers ang products ‘pag ganito at lalong masarap kumita ‘pag ‘yung products mo na ini-endorse ay mismong subok mo.
3. Certifications/Legalities
Huwag kalimutan na pinaka-importante sa lahat ay legal at certified ang Company na sasalihan mo. Mas masarap at kampante ka na gawin ang negosyo kung ang Company ay may certifications/legalities ng SEC, DTI, BIR, at iba pang business associations/institutions. Mas mainam rin kung may ISO Certificate ‘yung Company para sigurado ka na mataas ang quality ng company services and products. Kapag merong certifications ng mga nabanggit, you are 100% sure na legitimate ang MLM Company na papasukin mo at magtatagal.
4. Compensation Plan
ngayong nalaman mo na ang company profile ng company, alam mo narin ang products and services nito nacheck mo narin ang mga permit/legalities ng company Ang susunod naman na dapat mong alamin ay yung nakakaexcite ito ‘yung compensation plan o ‘yung mga paraan kung pa’no ka kikita. Kaya tayo nagbabalak na sumali sa ganitong business opportunity ngayon ay dahil gusto nating kumita ng malaki at madali tama ba? Pero kung ‘yung paraan lang ng company para kumita ay magbenta lang ng products sa tao, nasisiguro ko na hindi ka yayaman sa MLM Business na sasalihan mo. Ngayon, gusto kung aralin mo yung sistema ng kitaan ng company na sasalihan mo.. Baka nga sobrang ganda nga ng products mo at sobrang dali ibenta pero halos kunti lang din ang iyong kinikita. Ano kaya sa tingin mo ang mangyayari sa negosyo mo kung ang products na binebenta mo ay barya lang ang income/profit at walang override sa sales force? Sa tingin ko malabo kang umasenso sa ganyang sistema.
Importanteng alamin kung ‘yung sistema ng compensation plan ng MLM Company na papasukin mo ay maganda, kung ito ba ay maraming paraan para kumita, malaki ba ang income potential, malaki ba ang pay-out kaysa sa pay-in, at stable/sustainable ba ang safety net o ‘yung income na mapupunta at masi-save ng Company. Kapag malaki ng pay-out kaysa pay-in, malaki ang chance na malulugi ang safety net ng Company at babagsak ito. Ang safety net kasi ay ginagamit para masupurtahan ang operation ng Company. Dapat may stable/sustainable safety net at malaki ang pay-in ng Company na papasukin mo para alam mo na hindi ito malulugi.
5. Investment
Bago mo ma-enjoy ang kitaan sa MLM COMPANY na iyong sasalihan, next step kaylangan muna ngayon magbayad o magpayin para masimulan mo na ang iyong business.. pero tekaaaaa.. pagkatpos mong magbayag ang payo ko sayo wag ka mo ng maginvite.. aralin mo muna ulit lahat ang tungkol sa company na sasalihan mo wag kang magmadali na kumita dahil kapag ginawa mo yan baka imbes nakita puro palabas ang pera at sakit ng ulo agad ang mapala mo sa business mo.. wag mong gayahin yung mga maling ginagawa ng mga naguumpisa sa business na ito na pagkajoin e sabak agad sa ratratan.. sa industriyang ito kilangan mo muna talaga magacquire ng knowledge and skills bago ka kumita.. pag may knowledge at may skills ka na pagkatapos nyan ay pwede ka na mag-endorse o mag-sponsor ng ibang tao sa Network mo na magma-market din ng products or services ng Company. kailangan na maintindihan mo na hindi lang dalawa ang mai-sponsor mo, kailangan na makasponsore ka ng marami para mas malaki ang income mo. Pero, bago mo magawa ‘yan Dapat maunawaan mo na business ang papasukin mo. Kahit anong business ay kaylangan talaga ng investment.
6.Right Group/Team
Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ‘yung pagpili ng tamang group/team na sasalihan mo sa Networking Business dahil ito ang magiging katulong mo kapag ginawa mo na ang negosyo. Kahit pasok ‘yung 5 na important factors sa itaas dun sa Company na papasukin mo, pero hindi naman maaasahan yung team na sasalihan mo nasisiguro ko wala ring mangyayaring maganda sayo. Kaylangan mong maunawaan na Networking ang papasukin mo kaya mahalaga na alamin mo ‘yung standing ng group/team na pipiliin mo. Mahalaga sa lahat ang team sa Networking kaya kung nagbabalak kang maging isang successful na Pinoy Networker, ang pinaka-importante mong dapat gawin ay pumili ng grupo na makakatulong mo sa pagpapalago ng negosyo. Alamin kung meron ba silang mga training na naka-handa para sa’yo, meron ba silang business tools and effective marketing strategies na kayang ibigay sa’yo na kailangan mo para magawa mo ng tama ang negosyo, kaya ka ba nilang samahan sa ups and downs mo along the way of doing the business, at higit sa lahat may potential ba sila na tulungan kang maging successful entrepreneur. Hindi ‘to magiging madali, pero kung tama ang desisyon mo at handa kang tulungan at tumulong, halos kalahati ng success mo sa Networking ay nasayo na.
Sana nakatulong sayo ang post na ‘to para magkaroon ng kaalaman sa pagpasok sa business na ito. Kung nagustuhan mo at sa tingin mo makakatulong sayo at sa magiging team mo, please hit like button and leave your comments below para malaman ko ang side mo.
kung gusto mo malaman kung paano ang ethical na paraan pano kumita sa internet eclick mo ang link na ito http://bit.ly/1R5gvGE.
YOUR FRIEND TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA
DENNIS T. DUHAPA
Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/
Feel Free To Connect With ME if you have questions.
add me in facebook by clicking here
https://www.facebook.com/deniel.duhapa
No comments:
Post a Comment