Saturday, March 5, 2016

ARAL MULA SA AGILA AT TALABA

Napaka galing ng short but meaningful story na ito..
May 2 Itlog, Nagusap sila kung anong gusto nilang maging pag sila ay napisa na,
Ang sabi ng isang itlog; Gusto kong maging isang Talaba kapag ako ay napisa
Walang desisyong kailangang gawin, Sunod sa agos ng tubig at lahat ng kanyang pangangaylangan ay ibibigay ng karagatan, pagkain, tirahan, at kung ano ano pa. walang labis walang kulang. 
Yun ang buhay na gusto ko. 
Maaring limitado man ngunit Wala namang responsibilidad na kaylangang gampanan. Ang dagat ang bahala sa aking buhay.
Hindi ganyang buhay ang ibig ko, ang sabi ng pangalawang itlog. Ang nais ko ay maging isang Agila. Ang Agila ay Malayang gawin ang kahit ano at malayang lumipad. Oo ako ang responsable sa aking pagkain, tirahan, at sa aking buhay ngunit Malaya naming lumipad sa himpapawid at kabundukan. Ako ang may hawak ng aking kapalaran at hindi sabay sa agos lamang ng buhay.
Handa akong magsakripisyo para mabuhay na isang Agila.
kung ihahalintulad natin ang kwentong ito sa buhay natin halos walang pagkakaiba, kc marami sa ating mga pinoy ang kalimitan umaasa nlang sa swerte ng buhay parang yung isang itlog na ang nais ay maging isang talaba na, umaasa ang marami sa atin sa swerte ang gusto humiling lang ng humiling pero kadalasan wala namang action na ginagawa para mabago ang kanilang kinalalagyan o estado sa buhay..
Takot gumawa ng responsibilidad na kailangang gampanan..
Ok lang daw na kumain ng tatlong beses sa isang araw pero ang tanong ok lang ba talaga na maging ganun ang ikot ng buhay???
 Oo nakain ng tatlong beses sa isang araw pero yung maibigay ang naisin ng pamilya e hindi maibigay..
Gusto kung tularan natin yung isang itlog na ang nais ay maging isang agila..Kung iisipin nga naman natin napakataas ng lipad ng agila malaya nyang matanaw ang nais nyang tanawin at malaya nyang puntahan ang mga nais nyang puntahan.. 
kung ihahalintulad natin ito sa ating buhay, napaka taas ng pwede nating makamit at napakalayo ng pwede nating marating lahat ay walang hangganan at lahat ay posible talaga na makamit natin..
 basta itama lang natin ang ating pagiisip taasan ang pangarap  at magfocus tayo sa mga nais nating makamtam sa ating buhay samahan ng action, sipag, tyaga at detirminasyon sigurado na makakamtam natin ang ating mga pangarap sa buhay.. gusto kung lumipat tayo na parang agila na malayang nagagawa ang gustong gawin at malayang napupuntahan ang mga nais puntahan..
Ikaw, Anong Gusto Mong Maging? Isang Agila Or isang Talaba?
http://bit.ly/1R5gvGE
Kung nagustuhan mo ang message ng blog ko na ito don't forget to leave your comment below. i would glad to read them.
 kung gusto mo malaman kung paano ang ethical na paraan pano kumita sa internet eclick mo ang link na ito http://bit.ly/1R5gvGE.




YOUR FRIEND TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA
   
 Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/

Feel Free To Connect With ME if you have questions.
add me in facebook by clicking here
https://www.facebook.com/deniel.duhapa


No comments:

Post a Comment