Friday, May 27, 2016

PAGKAKAIBA NG PINOY SA CHINOY

PINOY VS. CHINOY BUSINESSMAN May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000. Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan. So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone.
Ang ganda! Ituloy natin. 

After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na!
A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000! Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000! Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan- buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya.

One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!” Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2% .

Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto. It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili? Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy.

Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang! After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy. Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy.

Ito ang kuwento ng pilipinas.. Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot! Mayroon kaming nagging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan!

I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba? ISANG KAHIG, ISANG TUKA Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan?
Sa squatters area? Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang- tuka? Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka. What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo?

Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka! Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain.
Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti. Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old.

Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo. Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka- Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you.

The Bible says in 1 Thessalonians 4:11, “Make it your ambition to lead a quiet life. You should mind your own business and work with your hands..I HOPE NA MAY NATUTUNAN KA.. 
YOU CAN SHARE IT TO OTHERS..
GOD BLESS & SEE YOU ON TOP..



    
YOUR PARTNER TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA       

Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/
Feel Free To Connect With ME if you have questions.
add me in facebook by clicking HEREhttps://www.facebook.com/deniel.duhapa

Monday, May 16, 2016

TIPS KUNG PAANO MAGING SUCCESSFUL SA BUSINESS..

kung isa kang baguhan na business owner, online marketer, multi level marketing o kahit na anong business ang meron ka ngayon o nagbabalak ka plang na magumpisa sa business.. nais kung ishare sayo ang tips na maaring makatulong sa business mo o sa gagawin mong business.. 

Malaki rin kc ang naging impact nito sa business at buhay ko buhat ng malaman ko ang tips na ito.. 
kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito Gusto kung gumawa ka ng nararapat na action tungkol sa bagay na ishishare ko sayo.. 

 READY KNB?..

UMPISAHAN NA NATIN..

Pero tanungin mo na kita saglit..

Ano ba ang pagkakaintindi mo sa salitang ito? "SUCCESSFUL PEOPLE ARE SIMPLY ARE THOSE PEOPLE WITH SUCCESSFUL HABITS". 

OK!! ganito yan balikan natin yung mga ginagawa natin mula pagkagising natin sa umaga hanggang sa matapos ang buong araw..

Ito yung mga bagay na paulit ulit nating ginagawa sa bawat araw sa buhay natin at ito yung tinatawag nating "HABIT".. 

Marahil magtatanong ka na ngayon Ano ba yang HABIT NA YAN?? at ANo MATUTULONG NYAN SA BUSINESS KO..

LETS CONTINUE..

Edifine  muna natin ang salitang "HABIT".. Kagaya ng sinabi ko kanina katulad ito ng mga bagay na una nating ginagawa step by step pagkagising palang sa umaga hanggang sa matapos ang buong araw.. 

sa maiksing salita "ito yung bagay na lagi mo ng ginagawa ng paulit ulit hanggang sa makasanayan mo na".. Malaki ang magiging epekto ng HABIT sa business na ginagawa mo ngayon.. 
Tanungin ulit kita ANO BA ANG HABIT NA GINAGAWA MO SA BUSINESS MO PARA KA MAGKARESULT???? 

ITO yung pinaka bottomline  na gusto kung ishare sayo.. 

nais KUNG gawin mo yung S.P.T. Recipe sa business mo ngayon.. :)

 marahil ay tatanungin mo ako sa salitang yan..

S.P.T???

ANO YAN??? 

When it comes to recipe kailangan ay step by step ang procedure ng ginagawa mo.. Kilangan may pattern kang sinusunod para magawa mo o mapatakbo mo ng maayos ang business mo. 
S.P.T.> stands for..

1.  STUDY> Una sa lahat pagaralan mong mabuti ang industry na kinabibilangan mo ngayon do what ever it takes para maintindihan ang business mo, Do what ever it takes para lubos na maunawaan ang exact concept ng business mo.. 

Kung hanggat maari maginvest ka ng mga books, webinar training, ebook, o online o offline trainings para mapaunlad ang skills at kaalaman mo sa business na kinalalagyan mo ngayon mas maganda yun dahil mapapalawak mo ang kaalaman mo sa industry na kinabibilangan mo ngayon..

2.PRACTICE>Pagkatpos mong mapagaralan ang mga bagay tungkol sa pinasok mong industry make sure na iapply mo ang mga napagaralan mo, Siguraduhin mo na ginagawa mo ang mga bagay na napagaralan mo..

 Araw-araw mo itong gawin hanggang sa maging isang HABIT mo na... Dito sa point na ito maeexperience mo ang struggling, ang hirap iba't ibang challenges pero dito rin sa point na ito ka magumpisang magkaresult, dito ka na magkakabreak through sa business mo.

3. TEACH> At ang last part ay TEACHING.. 
ngayon ituro mo ang lahat ng mga nalaman mo..
Ituro mo kung ano yung mga  inaply  mo sa business mo..
ituro mo kung ano ang mga hakbang na ginawa mo bakit ka nagkaresulta sa business mo..

kapag nagawa mo na ang mga step na yan masasabi kung nasayo na ang inaasam mong tagumpay sa business mo.. 

I hope na may natutunan ka sa shinare ko sayo, i hope this article serves you...


P.S. kung nagustuhan mo ang message sa blog post ko na ito don't forget to put your comment below. I would glad to read them.. 


   
YOUR PARTNER TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA                                                              

       

Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/
Feel Free To Connect With ME if you have questions.
add me in facebook by clicking HEREhttps://www.facebook.com/deniel.duhapa

Monday, May 2, 2016

WAG MONG ISUKO ANG MGA PANGARAP MO..

Merong isang teacher na pina-drawing sa mga estudyante niya ang mga pangarap nila pag lumaki na sila. Halos lahat sa mga estudyante ay nag-drawing ng teacher, doctor, abogado, bumbero, at piloto. 

Tuwang-tuwa ang teacher habang tinitignan ang mga gawa ng mga estudyante niya pero may isang drawing na umagaw nang atensyon ng teacher at ito ang pinaka-kakaiba sa lahat. Isang drawing ng bukid na may malaking bahay sa gitna at maraming hayop sa paligid. Tinawag ng teacher ang nag-drawing nito at tinanong kung bakit ito ang drawing niya. Ang sabi ng bata, pangarap ko po kasing magkaroon ng isang malaking-malaking bukid na maraming hayop, ang tatay at lolo ko po kasi ay nag-tatrabaho lang sa bukid ng ibang tao, kaya gusto ko pong magkaroon nang isang bagay na gusto rin nila pero hindi nila naabot.

Ang sabi ng teacher sa bata, ang sabi ko pangarap, hindi panaginip. Papano ka magkakaroon ng isang malaking bukid, eh ang tatay mo ay magsasaka lang; ang lolo mo magsasaka din; at ang lolo ng lolo mo ay magsasaka din. Ang pangarap ay isang bagay na posible mong maabot, pero kung ang pangarap mo ay magkaroon ng isang bukid, hindi yan mangyayari dahil ilang henerasyon na kayong magsasaka. Gusto kong palitan mo ang drawing mo at gawin mong mas makatotohanan. Tingnan mo si Juan gustong maging doctor; tignan mo si Pedro, gustong maging abogado; at tignan mo si Maria, gustong maging teacher.

Ipasa mo sa akin bukas ang drawing mo at gusto ko ay iba na ang drawing (pangarap) mo dahil kung hindi ay ibabagsak kita!
Malungkot na umuwi ang bata at tinitignan ang drawing niya. Nang makita niya ang tatay niya ay agad siyang nagsumbong dito.

Tay, pinag-drawing kami ng teacher namin kanina ng pangarap namin pero sabi niya ay palitan ko raw ang pangarap ko kasi magsasaka lang daw ang tatay ko at lolo ko; pati ang lolo ng lolo ko magsasaka lang kaya hindi daw ako pwedeng magkaroon ng pangarap ko. Bakit anak, ano ba yung pangarap mo? Gusto ko pong magkaroon ng isang malaking bukid na maraming hayop at may malaking bahay sa gitna, pero ayaw niyang tanggapin kasi hindi daw ito mangyayari. Kung hindi ko daw po papalitan yung drawing (pangarap) ko ay ibabagsak niya ako.

Alam mo anak, ang sabi ng teacher mo ay pangarap mo, hindi ang pangarap niya para sa’yo. Kung ano ang sa tingin mo ay gusto mo at sa tingin mo ay kaya mong gawin, ituloy mo. Tandaan mo palagi anak na hindi pwedeng ibang tao ang magbigay sa’yo ng pangarap mo dahil bawat isa sa atin ay may sari-sariling pag-iisip.
Hindi pwedeng sabihin ng ibang tao na hindi mo magagawa ang isang bagay; ang makakapag-sabi lang niyan ay ang sarili mo mismo.

Kung ano man ang maging desisyon mo ay ikaw ang bahala dahil wala ako sa posisyon para idikta sa’yo ang gusto mong maging paglaki mo. Nasayo ang desisyon kung papalitan mo ang pangarap mo o hindi dahil lang sa sinabi ng ibang tao na hindi ito posibleng mangyari.
Pagpasok pa lang ng bata ay hinanap na ng teacher yung pina-drawing niya at ibinigay naman ito ng bata. Nang tignan ng teacher yung drawing ng bata ay lalo siyang nagalit dahil walang nagbago sa drawing nung bata. Nandun parin yung bahay at maraming hayop sa paligid ng bukid. Ang sabi ng teacher ng bata;

Sinusubukan mo ba talaga ako? Hindi ba’t sabi ko sa’yo ay baguhin mo yung drawing mo dahil kung hindi ay ibabagsak kita? Gusto mo bang ibagsak na kita ngayon? Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon na baguhin mo ang drawing na ito, pero pag ito hindi mo pa rin bina.... (hindi na pinatapos ng bata ang sasabihin ng teacher at sumagot siya rito);
Teacher, kung gusto mo akong ibagsak, iba
gsak mo ako. Pero hinding-hindi ko isusuko ang pangarap ko para sa sarili ko dahil lang sa sinabi mong hindi ko ito magagawa.
Makalipas ang dalawampung taon ay may grupo ng bata na nagkaroon ng field trip sa isang bukid. Halos karamihan sa mga bata ay tuwang-tuwa dahil sa laki ng bukid na nakita nila. Syempre kasama nila yung teacher nila at siya yung teacher nung bata na pinabago yung drawing dahil sa hindi daw ito posibleng mangyari. Pagbaba nung teacher sa bus ay biglang may tumawag sa kanya… teacher! teacher! habang patakbong lumalapit ang isang lalaki na may matikas na pangangatawan. Teacher, natatandaan mo pa ba ako? Tinitigan lang ng teacher yung lalaki at kinikilala kung sino ba siya. Ako yung bata noon na pinag-drawing mo ng pangarap ko… ito yung drawing ko noon na sabi mo ay hindi mangyayari, sabay turo sa bukid.

Nang maalala ng teacher ay may biglang kumurot sa kanyang dibdib at dahan-dahang pumatak ang luha niya. Ang sabi niya sa lalaki, alam mo, 20 years na akong nagtuturo sa mga bata at marami akong nakitang mga katulad mo na ang drawing o pangarap nila ay mga imposible para sa akin kaya pinapabago ko sa kanila ang mga drawing nila. Halos lahat sila ay binabago ang drawing at ikaw lang ang nanindigan sa pangarap mo. Ang tagal ko nang nagtuturo pero marami na pala akong mga pangarap na sinira, buti na lang at pinaglaban mo ang pangarap mo.

Tayong lahat ay may malaking pangarap sa buhay. Pero hindi natin maaalis sa mga tao na agawin ang pangarap natin dahil sa tingin nila ay hindi natin ito kaya. Halos araw-araw, may taong susubukang sirain ang pangarap mo at sasabihan kang nananaginip lang, pero gaano ba katatag ang paniniwala mo na magiging successful ka sa ginagawa mo? Kung ikaw mismo ay hindi sigurado o may duda kang maabot ang mga ito..
Wag kang tumulad sa ibang bata sa kwento na isinuko ang pangarap nila dahil lang sa sinabi ng ibang tao na imposible nilang matupad ang pangarap nila. Marami ang magsasabi sa’yo na mahirap ang ginagawa mo, pero kung titignan mo sila, hindi ba’t mas mahirap naman ang ginagawa nila at gagawin nila yun ang tuloy-tuloy hanggang sa tumanda na sila.
Tandaan mo palagi na mas malaki at mas mataas ang pangarap mo, mas maraming tao ang kokontra at sisirain kung ano man ang gusto mo! 

IKAW LANG ANG MAY HAWAK NG KAPALARAN MO AT HINDI ANG IBANG TAO.. WAG MONG ISUKO ANG PANGARAP MO HANGGANG SA MAABOT MO ITO, KAGAYA NG BATA SA KWENTO NA IPINAGLABAN NYA AT HINDI SYA SUMUKO HANGGANG SA MATUPAD NYA ANG PANGARAP NYA..

I hope na may natutunan ka pwede kang magcomment sa baba i love to read them..



YOUR FRIEND TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA



Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/
Feel Free To Connect With ME if you have questions.

add me in facebook by clicking here https://www.facebook.com/deniel.duhapa