Saturday, June 11, 2016

AKOY MAHIRAP LAMANG

"Ako’y isang mahirap lamang".. tanong ko lang ganyan nalang ba ang laging nasa isip mo sa kinalalagyan ng buhay mo ngayon?? Sa totoo lang marami sa ating mga pinoy ang tila ba nagiging madrama sa buhay at kalimitan nagfofocus sila sa kung ano ang sitwasyon nila ngayon at yan ang mga linyang madalas nating nadidinig sa karamihan sa ating mga pinoy.. Kahit nga sa mga teleserye o sa mga ilang pelikula. Masyadong na-hihighlight ang kahirapan sa buhay, limited tuloy ang opportunities dahil naka-focus sa kahirapang kinalalagyan at hindi sa mga solusyon ng problema ng kahirapan.. 

Dahil nga sa kanilang kinalalagyan  intertertain at tinanggap nalang 
yung tadhana, “Nabuhay kaming ganito, mamatay kaming ganito.”
Kung ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun pero kung mamatay kang mahirap kasalanan mo na yun..Wala tayong ibang dapat sisihin kundi ang ating sarili.

Huwag ka sanang magalit sa aking nasabi. Pero minsan kailangan may magsabi sa atin ng katotohanan, para ito yung ating wakeup call na kailangan gumising na sa katotohanan. Kung ano ka nga ngayon, ito ay dahil sa series of choices na pinili mo. 
Hindi mo pwedeng palaging isisi sa Pangulo natin, sa gobyerno, sa kapit-bahay o kung kani-kanino pa ang kahirapan mo. At the end of the day, MAY CHOICE KA!

Come on! Life is all about choices.
Anong ibig kung sabihin??? Let us say na may kakilala ka na tao sa inyo na mahirap ang buhay at matagal na panahon kayong hindi nagkita tpos isang araw nakita mo syang nakasakay sa isang magarang sasakyan at nakatira sa isang malaking bahay, in short naging successful sya. At bigla mong naitanong sa sarili mo kung bakit naging ganito ang buhay ng taong iyon..
“Buti na lang at natanong mo, alam mo ba kung bakit naging ganito? Dahil sa choice nya na baguhin ang antas o takbo ng pamumuhay nya.. Siguro nagsawa na sya sa kahirapan at gumawa sya ng nararapat na aksyon para baguhin ang takbo ng buhay nya.. 
Maniwala ka sa kasabihan na "habang buhay may pagasa" at aksyon o choice lang natin ang magdedetermine sa pagbabago ng buhay natin.
  
If ever na nararanasan mo talaga ang paghihirap at walang nangyayari sa buhay mo, alam mo bang dapat mong sabihin sa sarili mo??? ganito kaibigan Gusto ko ng pagbabago sa buhay ko at gusto kung piliin na maging matagumpay sa buhay.” at gumawa ka ng nararapat na aksyon..

 Pero kaibigan paalala lang maraming obstacle o lubak na dadaanan kailangan mo lang maging matatag sa mga lubak na dadaanan mo at katulad ng karamihan na naging successful magiging matamis ang tagumpay mo kapag nalampasan mo ang lahat ng mga ito at magpapasalamat ka nlang na dumaan ito at nalampas mo ang lahat ng mga ito..


 Sana lang kaibigan  Siguraduhin mong hindi mo choice na maging mahirap. Dahil sa mundong ito napakapait ng kapalaran pag nagi kang mahirap..
THINK. REFLECT. APPLY.

I hope na may natutunan ka sa shinare ko sayo, i hope this article serves you...


P.S. kung nagustuhan mo ang message sa blog post ko na ito don't forget to put your comment below. I would glad to read them.. 


    
YOUR PARTNER TO SUCCESS
DENNIS T. DUHAPA       

Internet Entrepreneur / Online Coach
About Me My Blog http://dennisduhapa23.blogspot.jp/
Feel Free To Connect With ME if you have questions.
add me in facebook by clicking HEREhttps://www.facebook.com/deniel.duhapa